(True to life story)
(Ika-5 ng Mayo, 1997)

Nung bata pa ako, nasa anim hanggang walong taong gulang, malimit akong dinadala ng tatay ko sa bahay ni Lola sa Magsaysay, Palawan tuwing ‘summer break’. Masayang-masaya ako at nakakalaro ko ang aking mga pinsan. Mahilig kami magtaguan at magkwentuhan ng nakakatakot sa gabi.

Mas matanda sa kin ng apat na taon si Kuya Wap-Wap. Pinakamabilis syang tumakbo sa aming grupo, matulin, na para bang hindi lumalapat ang paa sa lupa. Pauwi na kami minsan galing bukid kung saan tumulong kami magtanim ng mani, kumarera kami sa pag-uwi hanggang sa mapagod at tumulo ang pawis. Nagsimula kaming maglakad at nagpapayabangan ng mga kwento. Sa lahat ng kwento, ang kwento ni Kuya Wap-Wap ang hindi ko makakalimutan.

Nung sya ay kaedad ko, may batang lalaki ang pumasok sa kanilang bahay na may suot na pulang shorts at puting t-shirt. Nakipagkilala ang bata at nakipaglaro sa kanya ng holen. Niyaya siya ng bata na lumabas ng bahay. Lumalayo na sila sa kanilang bahay habang nagkwekwentuhan. Napansin nya na tumatahimik ang bata at bumilibilis ang paglakad. Minadali nya rin ang paglalakad. Maya-maya pa ay lumiko ang bata patungo sa malaking puno. Tumigil ang bata sa labas ng puno at tumingin pataas na wari ay tinititigan ang mga sanga neto. Napatigil din si Kuya Wap-Wap, at nagtataka kung bakit huminto ang bata. Isa… dalawa… tatlong segundo… at biglang humakbang ang bata sa loob ng malaking puno at nawala ng parang bula. Kumaripas sya ng takbo pauwi at nakita na lamang sya ng kanyang nanay na takot na takot at umiiyak.

- Advertisement -

Hindi ako makapaniwala sa narinig kong kwento. At dahil sa murang edad, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Naalala ko bigla ang napanood ko sa Magandang Gabi Bayan (MGB). Pagkatapos magkwento ni Kuya Wap-Wap, nabanggit ko na marahil ay may gustong ipahatid na mensahe ang bata katulad ng napaouod ko sa MGB. Dagdag ko pa, mas makabubuting kausapin ang mga ligaw na kaluluwa upang malaman ang pinaggagalingan ng yumao at kung bakit hindi pa namamahinga.

Naputol na ang aming pagkwekwentuhan at nakarating na kami sa bahay ni Kuya Wap-Wap. May nakahaing hilaw na mangga at bagoong sa lamesa kung saan nagpapahinga ang iba naming pinsan. Mabilis dumaan ang mga oras at kalaunan ay magtatakip-silim na. Nautusan kami ni Kuya Wap-Wap na bumili ng Ginebra San Miguel para kay Uncle Meo (tatay ni Kuya Wap-wap). Naglalasing si uncle habang nanunuod ng basketbol.

Kahit sa hustong gulang pa lang ay marunong nang magmaneho ng traysikel si Kuya Wap-Wap. Tuwang-tuwa ako kapag sumasakay ng traysikel. Humarurot kami papuntang tindahan. Habang bumili sa tindahan si Kuya Wap-wap, naisipan kong umakyat sa bubong ng traysikel. At sakto pagtapak ko ng bubong nito ay gumalaw ang traysikel at nahulog kami sa kanal na nasa harapan ng tindahan. Mabuti na lang at walang masyadong sira ang sasakyan at bumalik na kami ng bahay bitbit ang alak.

Sumapit ang gabi, natapos ang panonood ng basketbol, at nagsimula na kaming pumaroon sa aming mga kwarto.

Nakahiga ako sa kama samantalang ang dalawang ate ko ay nasa lapag. Nasa kaliwa ng kama ang bintana na bahagyang nakabukas upang pumasok ang malamig na hangin. Maliit lang ang puwang sa pagitan nito at upang mabuksan, itutulak mo sa magkabilang direksyon ang mga bintana. Madilim at tahimik na ang paligid at tanging ang mga gagasing ang bumabasag ng katahimikan. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Ihing-ihi na ako. Dahan-dahan kong inaangat ang mabigat kong talukap.

Walang pinto ang aming kwarto. Ang ilaw mula sa kingki na nasa sala sa bandang kanan ay naglalayag patungo sa aking mata at ulirat. Pinagmamasdan ko ang ilaw na mula sa kingki na sumasayaw sayaw sa ihip ng hangin. Ayaw kong bumaba ng bahay upang umihi. Bata pa ako para subukang mag-isa sa dilim. Lumingon ako sa aking kaliwa, nakita ko ang bintana. Sa pagitan ng bintana, naaaninag ko ang tuktok ng puno ng kasoy na pilit itinatago ang kakaunting liwanag ng buwan. Ihing-ihi na talaga ako. Sabi ko pa nga sa sarili ko, wala na akong pakialam kahit may ahas pa sasalubong sa kin pagbukas ko bintana.

Pakonti-konti kong ibinabangon ang sarili. Inaabot ng maliliit kong kamay ang gilid ng bintana na gawa sa kahoy. Naramdaman ng aking mga palad ang magaspang na kahoy kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa aking muka. Itinulak ko ang bintana sa magkabilang dulo at ang maliit kong katawan ay bahagya ng nakalabas sa bintana. Napakadilim. Halos wala akong maaninag sa labas at waring lumalamig lalo ang hangin. Binuksan ko ang aking zipper at pumiswit ang mainit na ihi ko. Napakasarap sa pakiramdam. Ngunit habang pinagmamasdan ko ang puno ng kasoy sa harapan ko, mga limampung metro ang layo, may nakita akong puting bagay. Tinitigan ko ng husto at pilit inaaninag.

Isa… dalawa… tatlong segundo… pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko. Halos nabibingi ako sa bilis. Nanlamig ang buo kong katawan… tila lumaki ang aking ulo sa nakita. Kinuskos-kuskos ko ang aking mata at sa sobrang diin nakaramdam ako ng paghapdi. Hindi… hindi ito totoo. May babaeng mahabang buhok na nakaupo sa sanga ng kasoy at nakasuot ng mahabang puting damit. Natatabunan ng mahabang buhok ang kanyang muka. Bumagsak ang katawan ko… nanginginig ang tuhod. Sumisigaw ako pero walang lumalabas na boses o salita.

Dumausdos ako sa takot at lumapat ang likuran ko sa kama. Iniwan ko ang kama at tumabi sa aking mga ate na tulog na tulog. Nanginginig pa rin ako sa takot. Hinila ko ang kumot. Habang hinihila ko ang kumot napansin ko na may nakatayo sa pinto. May anino na nakatayo sa pinto. Hindi lang isa… kundi mag-ama base sa hugis ng kanilang mga anino. Pumikit ako at tinalukbong ang kumot. Naririnig ko ang aking paghinga. Maya’t maya pa ay may humihila sa aking kumot mula sa ibaba. Wala ng natitirang lakas sa mga palad ko para hilain ang kumot pabalik sa aking muka. Bahagya nang nakalabas ang ulo ko at hindi ko napigilang buksan ang aking mata at biglang…

…I don’t want to end the story. I’m not your typical writer. I want you to suffer and play with your imagination. The mystery belongs to me and your imagination is more powerful than mine. But the truth stays within me. (Froi criticized my first article ‘Of Independence, I Carried Blood’ saying some section were very anti-climatic and so this article).

I’m going to ask you one question. What if, only what if, the story I told you about happening on the night of May 5, 1997, was just a lie? I know… I know… I said it was a true-to-life event at the beginning, but I couldn’t careless. I’m writing for free, anyway. Do you feel betrayed? Well, you believed in fake news and in politicians, and you betrayed yourself a long time ago. You grew your thick skin and got used to it. In fact, you are willing to punch someone and break his/her nose because of what you believe in, right? Find the lie in your brain and it will set you free. Honestly, your ego is bigger than your lie, don’t you think? Cheers to your ignorance!

Fast forward after 25 years: I was hiking with this guy in his 50s, white and bearded, in Acadia National Park in Maine, U.S.A. It was a clear sky that night, and we were looking at the stars. It was so clear that you could even see some of the stretches of the galaxy. His brother passed away a week ago and we were remembering him that night. I asked if he believed in ghosts, and I was ready to tell him my ghost story. He said no and believed that people who have seen ghosts may have suffered from schizophrenia, which is characterized by thoughts or experiences that seem out of touch with reality. He was skeptical. I didn’t want to be tagged as schizophrenic, so I shut up.

In my line of work as an auditor, we have to possess professional skepticism. It is an attitude that includes a questioning mind and a critical assessment of audit evidence and should not be satisfied with less than persuasive evidence because of a belief that the client is honest. In my personal life, I am skeptical about things that I don’t understand and about ideas and promises. I listen to messages from pastors/priests and check if what they are saying is true or just their opinion. If it’s their opinion, I would do my own research and challenge it. I always have the habit of checking the bill from the restaurant and trust me, you may find extra charges or food that you didn’t order on the bill and that could save you some money.

I wish we can all be skeptics in simple things and in our personal lives. Cheers to skepticism!

To Kuya Wap-wap and to Uncle Meo–both have passed away–I am forever in debt for your kindness and our late-night snacks. Also, teach me how not to hate dying.

P.S. I’m still in the process of writing my trip to Alaska. I will post that next week and please keep following my column.

Previous articleHealth protocols mahigpit na ipatutupad sa pagdiriwang ng Tarahomonan Festival sa Busuanga
Next articleFun ride laban sa iligal na droga, isinagawa sa San Vicente ng mga bicycle rider