In a video circulating on social media, a man claiming to be Hernan Lopez has confessed to the murder of BPI employee Renald Gimotea Ferriol, also known as “Toto Ferriol,” in Puerto Princesa.
In a video sent to Palawan News on Thursday, he stated that he acted alone and his two children had nothing to do with the crime.
Lopez justified his actions by saying that he was emotionally distraught because of the hardships his wife had given him, who he claimed was having an affair with Ferriol. The suspect claimed that Ferriol was his wife’s lover and that he acted out of anger and frustration.
“Tama lang po ang ginawa ko sa kanya dahil sa hirap ng kalooban na ibinigay sa akin ng asawa ko… nang mala**i kong asawa. Kalaguyo po yan ng asawa ko, kaya nadala lang ako ng emosyon, ng galit, dahil sa ginawa nila na [pagpapahirap] sa kalooban ko (What I did to him was justifiable because of the emotional distress that my wife caused me… my unfaithful wife. He was my wife’s lover, so I was only driven by my emotions, anger, because of what they did, causing me distress),” he said.
He also referred to a CCTV recording in which his two children attempted to appease him, but it was too late.
In his video message, Lopez appealed to the authorities not to involve his children in the case, stating that they had no knowledge of his actions.
“Sir, alam niyo rin po yong video… sa CCTV, wala pong kinalaman yong dalawa kong anak. Tama lang po ang ginawa ko sa tao na yan (Sir, you also know about the video… on the CCTV, my two children were not involved. What I did to that person was justifiable),” he reiterated.
“Huwag niyo po idamay ang mga anak ko (Please do not involve my children),” he told police authorities looking for him.
The suspect became emotional in the midst of the video and requested the family of Ferriol to forgive him. He explained that his actions were driven by the pain and anger he felt.
Earlier, Lopez, a 42-year-old construction worker from Wescom Road in Brgy. San Miguel, was tagged by the police as the possible suspect in the fatal stabbing of Ferriol after engaging in a heated argument and a physical altercation on Baltan Street on April 30 at around 7:10 p.m.
The City Police Station 1 (PS 1) claimed that the suspect instigated the argument with the victim while under the influence of alcohol. The argument escalated into a fist fight, and the suspect drew a knife and stabbed the victim in his left stomach.
The suspect then fled in an unknown direction, while the victim’s relatives rushed him to Ospital ng Palawan (ONP), where he later died. Currently, the suspect remains at large. (with a report from Arphil Ballarta)
BASAHIN SA WIKANG PILIPINO
Lalaki umamin sa pagpatay sa empleyado ng BPI sa video, nanawagan na huwag idamay ang kanyang mga anak
Sa isang video na kumakalat sa social media, isang lalaki na nagpakilalang si Hernan Lopez ang inamin ang pagpaslang kay Renald Gimotea Ferriol, kilala rin bilang si “Toto Ferriol,” na empleyado ng BPI sa Puerto Princesa.
Sa isang video na ipinadala sa Palawan News noong Huwebes, May 4, sinabi niya na siya lamang ang gumawa nito at walang kinalaman ang kanyang dalawang anak sa krimen.
Ipinaliwanag ni Lopez na ang kanyang ginawa ay dahil sa sakit at sa pagpapahirap sa kanyang emosyon na dinulot ng kanyang asawa na sinasabi niyang may relasyon kay Ferriol. Ayon sa suspek, kalaguyo ni Ferriol ang kanyang asawa at nagpakita lamang siya ng galit at pagkapoot dahil sa ginawang pagpapahirap sa kanya.
“Tama lang po ang ginawa ko sa kanya dahil sa hirap ng kalooban na ibinigay sa akin ng asawa ko… nang mala**i kong asawa. Kalaguyo po yan ng asawa ko, kaya nadala lang ako ng emosyon, ng galit, dahil sa ginawa nila na [pagpapahirap] sa kalooban ko,” pahayag niya.
Binanggit din niya ang CCTV recording na maaaring nasa kamay na ng mga awtoridad kung saan pinapakitang lumapit sa kanya ang dalawang anak para siya ay awatin, ngunit huli na ang lahat dahil nagawa na umano niya ang krimen.
Sa kanyang video message, nanawagan si Lopez sa mga awtoridad na huwag idamay ang kanyang mga anak sa kaso dahil walang kinalaman ang mga ito sa kanyang nagawa.
“Sir, alam niyo rin po yong video… sa CCTV, wala pong kinalaman yong dalawa kong anak. Tama lang po ang ginawa ko sa tao na yan,” dagdag niyang pahayag.
“Huwag niyo po idamay ang mga anak ko,” apela niya sa mga pulis na naghahanap sa kanya.
Naging emosyonal siya bago matapos ang kanyang video at humingi ng tawad sa pamilya ng biktima. Ipinaliwanag niya na ang kanyang mga aksyon ay dahil sa sakit at galit na kanyang naramdaman.
Nauna rito, itinuturing ng pulisya si Lopez, isang 42-anyos na construction worker mula sa Wescom Road sa Brgy. San Miguel, bilang posibleng suspek sa pagpaslang kay Ferriol matapos makipag-away at magkasagutan sa Baltan Street noong Abril 30 bandang 7:10 ng gabi.
Sinabi ng City Police Station 1 (PS 1) na si Lopez ang nagsimula ng away sa biktima habang diumano ay lasing. Lumala ito at nagkainitan hanggang sa nakipagsuntukan ang suspek at ginamit ang isang kutsilyo para saksakin sa tagiliran si Ferriol.
Pagkatapos nito, tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon, habang dinala ng mga kamag-anak ang biktima sa Ospital ng Palawan (ONP), kung saan siya ay nasawi sa huli. Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa rin ang suspek. (may ulat mula kay Arphil Ballarta)