BROOKE’S POINT, Palawan — Nanawagan si mayor Mary Jean D. Feliciano sa mga mamamayan ng bayang ito na ipagpaliban muna ang pagtungo sa lungsod ng Puerto Princesa sa loob ng dalawang linggo.
Ang panawagan ay inihayag ni Feliciano sa kanyang Facebook post kaugnay ng pagkakaroon ng cimmunity transmission dahil aa biglang pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
“Ipagpaliban po muna natin ang pagpunta sa lungsod ng Puerto Prinsesa sa loob ng dalawang linggo dahil sa pagtaas ng local transmission sa nasabing lugar” ani Feliciano.
“Sa kasalukuyan, 11 baranggay na [sa lungsod] ang may kumpirmadong COVID-19. Upang masiguro ang kaligtasan nating lahat, hinihingi ko at inaasahan ang inyong kooperasyon at pang-unawa,” dagdag niya.
Aniiya, ito ang tanging paraan upang makaiwas sa COVID-19 ang bayan kung kaya’t hinihingi nito ang kooperasyon.
Samantala, pag-uusapan naman ng Municipal Inter-Agency Task Force IATF ngayong araw February 16, kung ano pa ang ilang hakbangin upang mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan ng Brooke’s Point .
