Ang tatlong araw National Vaccination Day sa bayan ng San Vicente ay pinangungunahan ng Municipal Health Office, San Vicente District Hospital, at mga barangay. (Larawan mula kay Fred Odronia)

SAN VICENTE, Palawan – Ikinatuwa ng opisyales ng Barangay New Agutaya sa bayan na ito ang pagdagsa ng mamamayan sa kanilang covered gym upang magpabakuna laban sa COVID-19 sa ikatlong araw ng isinagawang National Vaccination Day.

Dahil sa dami ng mamamayan na nais magpabakuna, dinala ang ilan sa kanila sa sa San Vicente District Hospital upang mas mapabilis ang pagbabakuna.

Kabilang sa mga nagpabakuna ang mga kabataang edad 12-17.

Ang tatlong araw National Vaccination Day sa bayan ng San Vicente ay pinangungunahan ng Municipal Health Office, San Vicente District Hospital, at mga barangay. (Larawan mula kay Fred Odronia)

“Nagpapasalamat ang barangay officials sa mga tao na willing na rin silang magpa-vaccine. Kailangan na rin talaga ito sa para kanilang kalusugan lalo at may [napababalita] na namang bagong variant ng COVID,” pahayag ni Punong Barangay Norlita Zabalo.

- Advertisement -

Ayon kay Goel Barbibi, isang residente ng barangay, nais niyang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 na maaari niyang makuha sa trabaho at sa madalas na pagbiyahe.

“Depensa rin sa oras na magtrabaho ka at magbiyahe kasi kailangan iyan, e. Dagdag proteksyon ko rin ito [kontra] sa COVID,” ani Marbibi.

Ang tatlong araw National Vaccination Day sa bayan ng San Vicente ay pinangungunahan ng Municipal Health Office, San Vicente District Hospital, at mga barangay. Isinagawa ito sa Sto. Niño Gymnasium, Centro Caruray at Gawid Caruray noong Nobyembre 29; sa Poblacion Gymnasium at San Isidro Gymnasium noong Nobyembre 30; at sa ikatlong araw ay kasabay ng New Agutaya ang Barangay Alimanguan.

Ang San Vicente District Hospital naman ay tatlong araw ring tumanggap ng mga residenteng nais magpabakuna.

Previous articleMDRRMOs, reservists, red cross personnel undergo rescue training
Next articleEnd child rape: Advocates laud Congress as they inch closer to law vs. child rape
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.