(File photo)

Bumaba ang malnutrition prevalence rate o MPR sa Palawan sa taong  2021 ng 7.05 percent kumpara sa nakalipas na taon na 8.65 percent, ayon sa ulat ng Provincial Nutrition Action Office (PNAO).

Sa ulat ni PNAO officer Rachel Paladan sa pagpupulong ng Provincial Nutrition Council-Technical Working Group (PNC-TWG) kamakailan na ipinatawag ng Provincial Nutrition Committee sa pangunguna ni Board Member Eduardo Modesto Rodriguez bilang chairman ng Committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan, sinabi nito na kabila ng malaking hamon ng COVID-19, patuloy ang kanilang ginagawa para maibaba ang MPR ng lalawigan.

Ang MPR ay nakukuha sa naging resulta ng isinasagawang Operation Plus Timbang (OPT) taon-taon sa mga batang may edad 0-71 buwang gulang na ginagampanan ng Provincial Nutrition Office (PNO) katuwang ang mga Barangay Environment Agriculture and Nutrition Scholars o BEANS.

Sa datos na iprinisinta ni Paladan, malaki ang ibinaba ng MPR ng Palawan pagdating sa underweight at severely underweight na mga batang Palaweño.

- Advertisement -

Nagpapatuloy naman ang iba pang aktibidad ng PNO na tumutugon sa pangangailangang pangnutrisyon sa kanayunan sa pamamagitan ng Malnutrition Reduction Program. Ilan sa mga ito ay ang micronutrient supplementation, deworming activity, complementary feeding program, mother’s class nutrition education campaign, Integrated Community Food Production, kung saan nakapaloob dito ang pamamahagi ng buto ng gulay para itanim sa mga bakuran at ang pagsasagawa ng Garantisadong Pambata. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Previous articleProvince inaugurates new PDRRMO office headquarters in Irawan
Next articleEDITORIAL: Raising reproductive health awareness among Palawan youth