BROOKE’S POINT, Palawan – Pinasinayaan ang Malasakit Center sa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) sa bayang ito ngayong araw nang Huwebes, November 4.
Ang Malasakit Center sa bayan ay ang ika-148 sa buong bansa na nagbibigay ng tulong para sa pagpapagamot ng mga mahihirap na walang sapat na kakayanan para magpa-ospital, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Sec. Martin Diño ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang iba pang opisyales ng pamahalaan.
Hindi naman nakarating ang inaasahang panauhing pandangal na si Sen. Christopher Lawrense “Bong” Go dahil sinalubong nito si Pangulong Rodrigo Duterte na tumungo sa Lungsod ng Puerto Princesa upang pasinayaan ang kumpleto ng expanded project ng port ng Philippine Ports Authority (PPA).
Bagama’t hindi nakadalo, nagpadala si Sen. Go ng virtual message kung saan, inihayag nito ang pagkakaloob ng halagang P3 million para sa Malasakit Center ng bayan.