Maasahan ngayong araw ng Huwebes, October 28, ang malamig na hangin at mahihinang pag-ulan dulot ng bahagyang paglakas ng hanging amihan o northeast monsoon, ayon sa weather forecast ng PAGASA.

Sa 4 a.m. update ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, sinabi nito na nakakaapekto na sa buong Luzon ang paglakas ng amihan kaya’t magiging malamig ang hangin na may mahihinang pag-ulan.

Dahil sa hanging amihan, magiging maganda umano at maaliwalas ang panahon, maliban sa mga isolated na mahihinang pag-ulan.

Ang Puerto Princesa ay makakaranas ng 25 hanggang 32 degree Celsius na temperatura, samantalang ang Kalayaan Islands ay 25 hanggang 33 degree Celsius.

- Advertisement -

Ang bagyo naman na may international name na “Malou” ay naging ganap ng typhoon at nasa layo na ngayon na 1,800 kilometers sa silangan ng Extreme Northern Luzon.

“Hindi natin inaasahan na papasok ito sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR),” ayon sa kanya, ngunit ito ay kikilos sa north-northeast, papalayo sa bansa.

Previous articleTime’s Up Ateneo invites public to lecture in confronting gender based violence in pop culture
Next articlePuerto Princesa tourism reopening to outside travelers eyed anew in December
is one of the senior reporters of Palawan News. She covers agriculture, business, and different feature stories. Her interests are collecting empty bottles, aesthetic earrings, and anything that is color yellow.