Google map photo ng Barangay San Jose kung saan naganap ang robbery-holdup incident kagabi, Marso 12, 2022.

Nasa P600,000 na halaga ng pera at iba pang gamit ang natangay ng dalawang hindi nakikilalang suspek mula sa mag-asawang negosyante na may-ari ng BCM Frozen Good Store sa Tiansuy Go Road, Barangay San Jose, Puerto Princesa City bandang 10:20 ng gabi, Marso 12.

Ayon sa inisyal na report mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na P/Lt. Col. Alonso Tabi Jr., ang mga biktima ng robbery-holdup ay sina Mark Anthony Caadan, 40, at common law wife nito na si Neneth Saguban, 24.

Natangay mula kay Saguban ang kanyang shoulder bag na may lamang P500,000 cash, dalawang mobile phones na may GCash load na aabot sa 100,000 pesos, at iba pang gamit, matapos itong agawin ng isa sa dalawang suspek na mayroong dalang baril.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang 10:20 ng gabi noong Sabado nangyari ang robbery-holdup matapos dumating nina Caadan at Saguban sa kanilang tindahan sakay ng kanilang puting freezer van. Inagaw ng isa sa dalawang suspek ang kanyang bag habang nakatutok ang baril nito kay Caadan.

- Advertisement -

Binaril din umano si Caadan ngunit hindi ito tinamaan, at pagkatapos ay tumalilis na ang mga ito sakay ng isang Skyblue Honda Click 125 patungo sa North National Highway.

“Initial pa lang yan, hindi pa nila na-investigate lahat. May follow up pa tayo,” sagot ni Tabi sa tanong kung maaaring ang mga biktima ay alam ang kilos nina Caadan at Saguban kaya ang mga ito ay inabangan sa San Jose.

Nakarekober din ng basyo na bala ng baril na kalibre 45 sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay Tabi, ito ang kauna-unahang insidente ng robbery-holdup na naitala nila simula mag-umpisa ang taong 2022 sa Puerto Princesa City.

Previous articleDOLE-Palawan tells employers to comply with minimum wage rule
Next articleCapitol commemorates peaceful plebiscite a year ago, conveys gratitude to Palaweños
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.