Bahagi ng Mantayob Falls sa Brgy. Bunog na magiging water source ng Mantayob Water System. | Ang mga larawan ay mula kay Jennifer Scimone

Inaasahang sa darating na buwan ng Setyembre ngayong taon ay matatapos at magiging operational na ang itinatayong Mantayob Water System sa Barangay Bunog sa bayan ng Rizal.

Sa sandaling matapos ang water system project, ito ang panggagalingan ng supply ng tubig para sa mahigit 3,000 kabahayan sa mga barangay ng Iraan at Bunog sa Rizal at Quinlogan at Calumpang sa bayan naman ng Quezon.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P34 milyon na magkatuwang na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Rizal at Quezon.

Base sa share of investment ay nasa P18 million ang inilaang pondo ng Rizal at P16 million naman ang ibinahagi ng Quezon.

- Advertisement -

Ayon kay Vice Mayor Norman Ong ng Rizal, ang proyekto ay bahagi ng Water Development Project (WDP) ng lokal na pamahalaan ng Rizal kung saan nakibahagi ang lokal na pamahalaan ng Quezon.

Dagdag niya, sinimulan ang proyekto noong siya pa ang nakaupong mayor ng Rizal at ipinagpatuloy ni Mayor Otol Odi nang ito ay nagsimulang manungkulan taong 2019.

“Nagpapasalamat tayo sa administrasyon ni Mayor Odi na sinuportahan din ang ating pangarap na maisakatuparan ang water project na ito sa ating bayan,” pahayag ni Ong.

Kaugnay nito, inaasahan din na sa susunod na linggo ngayong buwan ng Agosto ay malalagdaan na ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang bayan na ito para sa pamamahala at operasyon ng nasabing proyektong patubig.

Previous articleCoast Guard seeking public assistance in the search for missing fisherman near Araceli
Next articleFilipina, New Zealander boyfriend nabbed in buy-bust operation
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.