File photo

Umabot na sa 2,321 residente ng bayan ng Sofronio Española ang fully vaccinated na, sa huling tala na inilabas ng Municipal Health Office (MHO) ngayong buwan ng Agosto.

Sa consolidated data ng MHO, may kabuuang 1,438 individuals ang nabakunahan ng Janssen noong ikalawang linggo ng Agosto. 101 individuals naman ang nakatanggap na ng second dose ng AstraZeneca at 782 ang fully vaccinated na rin ng Sinovac.

Ayon kay Dr Rhodora Tingson, Municipal Health Officer ng bayan, layon nilang maabot ang 70% ng populasyon o humigit-kumulang 25,900 indibidwal para sa herd immunity para sa bayan.

Ang kasalukuyang bilang ng nabakunahan ay nasa 8.96 per cent pa lang ng target na 25,900. Idinagdag ni Tingson na wala naman silang target date kung kailan maaabot ang herd immunity dahil nakadepende rin sila sa supply ng bakuna na magmumula sa Provincial Health Office (PHO).

Dagdag niya, may mga nakatakda pa ring tumanggap ng second dose ng Sinovac sa buwan ng Setyembre at ng AstraZeneca sa buwan naman ng Oktubre.

“Ang Sinovac, may 2nd dose na naka-reserve dito sa atin, 318 individuals yan sa buwan po ito ng September. 1,100 kasi ang allocation natin sa Sinovac,” pahayag ni Tingson.

Inaantay naman nila ang supply ng AstraZeneca mula sa PHO na nakatakdang ibigay sa buwan naman ng Oktubre.

Paalala rin ni Tingson sa mga fully vaccinated na, patuloy pa ring sundin ang mga health and safety protocols lalong-lalo na kung lalabas ng tahanan upang makaiwas pa rin sa banta ng COVID-19.

Previous articleAsserting rights to West PH Sea is up to the administration, maritime expert says
Next articleGrow your investments faster with InLife Solid Future Global
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.