(PN File)

Umabot na sa bilang na 14,623 ang nakatanggap ng kumpletong bakuna, habang 16,514 naman ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa bayan ng Rizal, base sa talaan na inilabas ng Municipal Health Office (MHO) noong araw ng Lunes, Enero 17.

Ayon kay Dr. Kathreen Stephanie Luz Micu, hepe ng MHO, ang bilang ay nasa 38.26 percent na ng populasyon ng bayan, at mahigit kalahati na ng kanilang target para sa herd immunity, magmula ng simulan ang pagbabakuna noong buwan ng Hulyo ng nakalipas na taon.

“Kahit papaano, lumampas na tayo ng kaunti sa kalahati ng target natin at sana tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa mga mamamayan,” pahayag ni Micu ngayong araw, Enero 19.

Dagdag niya, nakatakda ring mabigyan ng ikalawang dose ang hindi pa nakapagkumpleto nito ngayong huling linggo ng Enero at sa buwan ng Pebrero.

- Advertisement -

Target ng MHO na mabakunahan ang 70 percent ng populasyon ng bayan na mahigit 56,000 upang maabot ang target herd immunity nito laban sa COVID-19.

Maliban dito ay nakapagbigay na rin ang MHO ng booster shots ng Pfizer sa 413 indibidwal simula noong buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon.

Samantala, nakatakda namang magsasagawa ang MHO ng pagbabakuna sa barangay Ransang sa darating na Enero 21, para sa mga nais magpabakuna sa Janssen brand.

Previous article55 MSMEs get P8,000 livelihood assistance from DTI-MIMAROPA
Next articleGov’t institutionalizes measures vs. real estate scammers
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.