Ang mass dance demonstration na isinagawa sa covered gym ng barangay Baldat ng mga lumahok sa International Mangroves Day sa Culion.

Humigit kumulang 1,000 mangrove propagules ang itinanim ng pamahalaang lokal sa bayan ng Culion kaugnay ng pagdiriwang ng International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem nitong Martes, July 26.

Isinagawa ang nasabing tree planting activity sa mangrove area ng Brgy. Baldat sa nasabing bayan.

Nagsagawa din ng iba’t ibang mga aktibidad kaugnay sa nasabing pagdiriwang, kabilang na ang isang funwalk at mass dance demonstration, na sinundan ng maiksing programa na nilahukan ng DepEd, PNP, barangay officials, mga katutubo ng Culion, Culion Eco Warrior, at Youth and Women Volunteers.

Ang funwalk na isinagawa ng mga kawani ng LGU Culion at ilan pang mga lumahok sa International Mangroves Day (Larawan mula sa Culion Information)

Ayon kay Culion Mayor Maria Virginia De Vera, patuloy siyang nagpapasalamat sa mga partners ng LGU sa patuloy na pagbibigay ng dedikasyon sa hangarin na protektahan ang mga mangroves sa kaniyang bayan sa mahigit 50 hectares na bakawan area na patuloy na pinapangalagaan ng komunidad.

“Ang ating bakawan ay malaking tulong at mabisang panangga sa panahon ng bagyo tulad ng malalakas na alon at soil erosion na malaking banta sa buhay ng mga naninirahan malapit sa mga baybayin. Kaisa ang administrasyong ito na sumusuporta sa layuning mapaigting ang seguridad ng ating Mangrove Plantation,” sabi ni De Vera.

Kabilang sa mga pinasalamatan ng LGU ay ang mga partners nila sa pangangalaga ng kanilang mga mangroves o bakawan kagaya ng USAID Fish Right, Culion Foundations Incorporated (CFI), at GCash na naging katuwang nito sa mangrove rehabilitation, planting at preservation.

Kaugnay nito, nilagdaan ni Mayor De Vera ang Executive Order No. 38 para sa pagseselebra ng International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem at pagpapalawig nang pagtatanim at pangangalaga ng bakawan sa bayan ng Culion.

Previous articleLocal zero-carbon resort welcomes DOT’s move to incentivize sustainable tourism practices
Next articleTESDA focuses on agriculture-related training for persons deprived of liberty
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.