Jan 16, 2021

Magsasakang inirereklamo ng panggagahasa, inaaresto sa S. Española

Ayon kay Baleros isang biktima lang ang involved sa kasong kinaharap ni Labun. Binabaan siya ng warrant of arrest noong November 12, 2020.

Inaresto ng mga pulis sa Sofronio Española ang isang magsasaka dahil kasong rape at rape by sexual assault, Linggo ng umaga, sa Barangay Pulot Center.

Kinilala ni P/SSg. Rosbel Baleros ng Sofronio Española municipal police station ang suspek na si Esran Labun, 22 anyos, at residente din ng nasabing barangay.

Ayon kay Baleros isang biktima lang ang involved sa kasong kinaharap ni Labun. Binabaan siya ng warrant of arrest noong November 12, 2020.

“One victim yan sa case niya. Pagkatapos na maibaba ang warrant of arrest niya noong November 12,2020 agad pong nagkasa ng operasyon ang ating station sa superbisyon ng ating Acting COP na agad naman pong nagkaroon ng magandang resulta,” sabi ni Baleros.

Ibinaba ang warrant of arrest ni Labun ng sala ni Judge Ramon Mendoza ng RTC Branch 165. Walang inilabas na bail ang korte para sa kanyang kasong rape. Ngunit ang kanyang rape by sexual assault ay may bail na P120,000.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry