Jan 24, 2021

Magsasaka sugatan matapos barilin ng kainuman sa Bataraza

Ang biktima na agad isinugod sa ospital ay kinilalang si Rogelio Clarino Sorrosa, Jr,. 40 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng kainuman nito sa Sityo Narra-Narra, Barangay Tarusan sa bayan ng Bataraza, southern Palawan, 11:30 ng gabi noong Linggo (Enero 10).

Ang biktima na agad isinugod sa ospital ay kinilalang si Rogelio Clarino Sorrosa, Jr,. 40 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ang suspek ay kinilalang si Roger Ariñez, 42, residente ng Tarusan ng nasabing bayan. Agad itong tumakas pagkatapos ng pamamaril gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Sa pahayag ni P/Cpt. Michael Von Agbisit, nasa inuman ang dalawa kasama ang tatlong iba nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pamamaril.

“Ayon sa mga kasama nila, misunderstanding lang ito. Nagsimula lang sila na medyo nagkabangayan hanggang sa  nagkainitan,” pahayag ni Agbisit

“As of now, at large pa rin ang suspek natin. Naka-deploy pa rin hanggang ngayon ang mga pulis natin sa area para mahuli ang suspek,” dagdag pa nito

Bagama’t hindi pa kumpirmado mula sa nabanggit na baranggay, sinabi ni Agbisit na may mga nauna ng record sa lugar ang suspek na kanila pa ring aalamin.

“Ngayon focus tayo sa paghahanap sa suspek para makuha siya. Saka natin aalamin kung ano pa ang ibang information sa kanya dito sa baranggay o mga previous record niya,” saad ng pulis.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry