Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Purok Bagong Silang, Sitio Iraan, Barangay Magara, bayan ng Roxas, Lunes ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Adonis Alagadno Shu, 46, residente ng nasabing lugar, habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa ulat na ipinadala ng Provincial Police Office, papunta sa kaniyang sakahan ang biktima nang lapitan ng dalawang suspek upang magtanong ng direksyon.

Matapos magtanong, inilabas ng isa sa mga suspek ang kanyang baril at pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan, agaran namang tumakas ang dalawang suspek.

Naidala naman sa ospital ang biktima ngunit naideklarang dead on arrival.

- Advertisement -

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari para sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip sa mga suspek.

 

Previous articleCouncilors want city government to put up own gas station
Next articleAraceli town mayor faces election protest
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.