Oct 28, 2020

Magsasaka sa Bataraza, sabit sa droga

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Hamsil Cano Nasad, 36 at residente ng nasabing lugar.

Isang magsasaka ang nahuli ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa Barangay Sumbiling bayan ng Bataraza, Linggo ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Hamsil Cano Nasad, 36 at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office, nahuli ang lalaki matapos mabilhan ng mga awtoridad ng hinihinalang shabu kapalit ng P1,000.

Bukod sa isang sachet ng shabu, narekober rin mula sa suspek ang ilang drug paraphernalia, bag at pera.

Nahuli ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Bataraza Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Palawan Mobile Force Company (PMFC).

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry