Makikita sa kanang larawan ang suspek sa kasong illegal possession of firearm habang nakalatag sa sahig ang mga nakumpiska sa kanyang baril. Sa kaliwang larawan naman ay kung ano ang mga uri nito. (Photo courtesy of Police Regional Office)

Arestado ang isang 59 anyos na magsasaka sa Brgy. Sumbiling, Bataraza, dahil sa pagkakaroong ng baril na walang kaukulang dokumento noong Biyernes ng umaga.

Sa spot report na ipinadala sa Palawan News ni P/Col. Aries Faltado, ang tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO), Kinilala ang suspek na si Pablo dela Cruz na residente din ng nasabing barangay.

Apat na uri ng baril ang sinasabing nakumpiska mula kay Dela Cruz — isang shotgun, isang 9mm pistol, isang long caliber 22, at isang dismantled m16 rifle.

Nakuha rin mula sa kanya ang iba’t-ibang klase ng mga bala ng baril.

File photo courtesy of Police Regional Office

Ayon naman sa payahag ng tagapagsalita.ng Palawan Provincial Police Office (PPO) na si P/Capt. Ric Ramos, nilabag ni Dela Cruz ang Republic Act 10591.

“Ang 10591 ang ibig sabihin nyan ay nagpo-possess ka ng papel na walang lisensya o di kaya paso na ang lisensya. Kahit may lisensya ka pero paso, considered as loose firearms ‘yan, that’s why kapag may mga baril, tinu-turnover sa pulis. Kapag paso na, at least hangga’t inaayos mo ‘yong papeles mo ‘yong baril mo ay naka-safekeeping sa mga pulis sa pinaka malapit na police station,” sabi ni Ramos.

Sa dami ng baril na nakuha kay Dela Cruz, maaaring hindi maglagak ng piyansa ang lokal na hukuman.

“Kapag sobrang dami ang baril na nakuha mula sa kanya, walang bail ‘yan. Pero sa sitwasyon niya, i-inquest pa ‘yan, malalaman din natin kung may bail ‘yan o wala,” dagdag ni Ramos.

Samantala ang paghuli kay Dela Cruz ay isinagawa ng mga tauhan ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company-Palawan Provincial Police Office base sa search warrant na iginawad ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Regional Trial Court (RTC) Branch 165 ng Brooke’s Point.

Sa ngayon ang mga armas at si Dela Cruz ay nasa kustodiya ng Bataraza MPS.

About Post Author

Previous articleSuspek sa notorius na pagnanakaw, arestado sa Coron
Next articleCoron police to sue Czech national for hitting assistant cook
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.