Iminungkahi ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng munisipyo ng Balabac na huwag munang magbenta ng palay ang mga magsasaka nito palabas ng bayan upang mapanatiling sapat ang sariling supply.

Ayon sa MAO, ilang taon na ring hindi nagbebenta ng palay sa labas ng bayan ang mga magsasaka dahil prayoridad nilang maging sapat ang supply ng bigas sa Balabac dahil na rin sa maliit na volume ng palay na inaani bawat cropping season.

Ayon kay Manuelo Redison, municipal agriculturist ng Balabac, mas mataas umano ang rice importation ng Balabac kaysa sa exportation ng bigas bawat taon.

“Wala tayong record talaga na may mga magsasaka tayo na nagbenta ng palay sa labas. Halos lahat ng farmers natin dito ay nagpapagiling na dito sa Balabac at mga residente lang din ang bumibili ng bigas,” pahayag ni Redison, Huwebes, September 23.

- Advertisement -

“Mas marami rin ang taga Balabac na bumibili pa ng bigas sa ibang bayan gaya ng Brooke’s Point at Bataraza kaysa sa sila pa ang magbenta ng palay,” dagdag niya.

Ayon pa kay Redison, aminado siyang maliit lamang ang rice production ng Balabac para sa sarili nitong mga consumers dahil sa maliit lamang ang rice land potential sa kanilang bayan. Ang bayan ng Balabac ay  mayroon lamang mahigit 370 hectares na lupang sakahan sa bayan.

Karamihan sa mga may bahagyang mataas na bahagi ng lupang sinasaka ay mula sa apat na agricultural and upland areas sa mga barangay ng Salang, Indalawan, Poblacion 6, at Catagupan.

“Sa assessment kasi natin, bawat ektarya nakaka-harvest sila ng 50 to 60 kaban kada ektarya. Kung minsan kapag hindi productive ang cropping, 40 to 50 lang kada ektarya. Kung i-evaluate natin, palagay ko kulang pa rin talaga kaya nagkakaroon tayo ng rice importation galing sa mga karatig lugar natin,” aniya.

Dagdag pa niya patuloy pa rin ang paghihikayat ng kanilang tanggapan sa mga magsasaka na madagdagan ang sinasaka nila sa kanilang mga lupain upang magkaroon ng pagtaas pa ng land potential area na maaari pang sakahin.

“May iba pang lugar sa apat na barangay na ito natin na pwede pa nilang i-cultivate upang madagdagan ang 370 ektaryang lupain ng rice land area natin sa Balabac,” paliwanag ni Redison.

Samantala, maituturing pa rin ng MAO na maganda ang ang bilihan ng bigas sa bayan na naglalaro sa P33 hanggang P35 kada kilo.

“Dito kasi sa Balabac, madalang ang nagbebenta ng palay mismo. Ang ginagawa nila, from harvest, ibibilad at ipapagiling saka ibebeta ang bigas,” paliwanag niya.

Previous article26 mangingisda dinakip ng awtoridad matapos maaktuhan na gumagamit ng compressor
Next articleUSAID supports launch of first nonstop Philippine shipping service
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.