File photo mula sa Palawan Police Provincial Office

Isang 81 taong gulang na magsasaka ang inaresto sa national highway sa Barangay Poblacion ng Araceli dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act noong Pebrero 4.

Itinuturing na Rank No. 5 sa wanted persons sa municipal level, ang inaresto ay si Ellias Hachuela Calanda, residente ng Brgy. San Jose de Oro sa natura din na bayan.

Inaresto siya sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Anna Leah Tiongson Mendoza ng Branch 164 ng Palawan Regional Trial Court (RTC) ng Roxas noong Setyembre 25, 2017, dahil sa paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591.

Para siya ay pansamantalang makalaya, mayroong inirekomenda na P120,000. Siya ay nasa kustodiya na ngayon ng Araceli Municipal Police Station (MPS).

- Advertisement -
Previous articlePalawan makes it to Big 7 Travel’s list of 15 Best Honeymoon Destinations for 2022
Next articleSuspek sa pagpaslang sa babaeng natagpuan sa Sta. Monica, hindi pa rin matukoy ng awtoridad