Oct 28, 2020

Magsasaka sa Aborlan, inaresto dahil sa panggagahasa sa sariling anak

Ang inaresto sa paglabag sa Anti-Rape Law o Republic Act (RA) 8353 ay kinilalang si Leo Osalia residente ng Brgy. Apurawan, Aborlan.

(Photo file of the suspect released by the Aborlan MPS)

 

Isang 38 anyos na tatay ang inaresto, Sabado ng gabi, ng mga awtoridad sa bayan ng Aborlan dahil sa panggagahasa sa sarili nitong anak na menor de edad.

Ang inaresto sa paglabag sa Anti-Rape Law o Republic Act (RA) 8353 ay kinilalang si Leo Osalia residente ng Brgy. Apurawan, Aborlan.

Kasama rin sa kanyang nilabag ang RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon sa ulat mula sa Aborlan MPS, ikinuwento ng biktima na anim na beses itong ginahasa ng sariling ama simula pa noong 2016.

Sabi ng biktima, ginagawa ito ng ama kapag wala ang ina nito at binabantaan pa siyang papatayin kung magsumbong.

Naiulat ng kapitan ng barangay na si Danilo Cortes ang insidente sa mga awtoridad na dahilan ng pag-aksyon ng mga ito at paghuli sa nasabing suspek.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry