Ang suspek na si Margarito Valoro Gregorio Jr., alyas Junjun, matapos maaresto dahil sa pananaksak noong gabi ng November 28 sa Barangay Samariñana, Brooke’s Point. | Larawan mula sa Palawan Provincial Police Office

(BABALA: Ang balitang ito ay tumatalakay sa karahasan. Ang mga mambabasa ay pinapayuhan ng ibayong pag-iingat.)

Patay ang isang 45 taong gulang na magsasaka matapos siyang saksakin ng tricycle driver na kanyang hinamon ng away dahil umano sa kalasingan sa Brgy. Samariñana, Brooke’s Point, ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office (PPO).

Ang insidente ay naganap noong gabi ng November 28 sa pagitan ng biktima na si Ian Dino Gales Idusma at suspek na si Margarito Valoro Gregorio Jr., alyas Junjun, 42 taong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulis sa Brooke’s Point, lumalabas na habang nasa impluwensya ng alak si Idusma ay tumungo ito sa bahay ng kanyang kaibigan na hindi tinukoy ang pangalan. Pagdating niya ay tiyempong nakikipag-inuman si Gregorio at humahalakhak sa kapitbahay ng kaibigan.

Uminit ang ulo ni Idusma kaya sumugod ito sa bahay na kinaroroonan ni Gregorio, sinipa ang gate nito, at hinamon umano ito ng away. Si Gregorio naman ay uminit din ang ulo kaya paglapit ni Idusma ay inundayan niya ito nang saksak sa leeg at dibdib.

Nadala pa sa ospital ang biktima ng mga rumespondeng personnel ng MDRRMO Brooke’s Point, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ang suspek ay naaresto at sa ngayon ay nasa kustodiya ng Brooke’s Point municipal police. Hindi narekober ang ginamit nitong patalim sa pananaksak.

About Post Author

Previous articleGroup expresses concern over WPS protected area bill
Next articleAccess to modern energy supply could help improve Palawan’s economic dev’t
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.