(Screenshot from Google Maps/ File photo )

Patay sa pananaga ng kanyang kainuman ang isang 38 taong gulang na magsasaka noong gabi ng Nobyembre 6 sa Sitio Tagpas, Barangay Latud sa bayan ng Rizal, ayon sa ulat na ibinahagi ng Palawan Provincial Police Office (PPPO) ngayong araw.

Kinilala ang biktima na si Jolan Magbanua Repecio, samantalang ang suspek ay si Renante Letada Basical, 44, kapwa mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon sa ulat ng PPPO na ibinahagi sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, bandang 5:30 nang hapon ng Nobyembre 6 ay natulog ang suspek matapos itong uminom. Ngunit bandang 8 nang gabi ay tumungo sa kanyang bahay ang biktima na si Repecio na diumano ay nakainom rin at pinilit pa siyang mag-inuman.

Makikita sa larawan ang biktima na si Jolan Magbanua Repecio, 38, na nasawi matapos pagtatagain ng suspek na si Renante Letada Basical, 44, noong gabi nang Nobyembre 6 sa Barangay Latud sa bayan ng Rizal. (Photo from Palawan Police Provincial Office)

Habang nag-iinuman, nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa dahil ang biktima ay hinihila at sinusuntok umano ang paa ng suspek na may sugat. Bilang resulta, ay nagalit si Repecio kaya hinugot ang kanyang itak at tinaga si Basical ngunit hindi niya ito tinamaan.

Sa galit ni Basical ay kinuha naman nito ang kanyang martilyo at pinukpok si Repecio sa ulo. Naagaw din niya ang itak ni Repecio at ito ang ginamit ni Basical sa pananaga ng ilang beses.

Ayon sa PPPO, ang motibo ay hindi pagkakaunawaan. Ang mga ebidensya naman na ginamit sa pamumukpok at pananaga ay narekober at nasa kustodiya na ng pulisya.

Previous articleCity Council backs PALECO “expropriation”
Next articleRyan Reynolds, Gal Gadot, and Dwayne Johnson invite you to watch Red Notice on Netflix this Nov 12