Sep 27, 2020

Magsasaka, natagpuang patay sa Sofronio Española

Kinilala ang biktima na si Virginio Bagona de Leon, 58, residente ng lugar.

Isang magsasaka ang natagpuang patay dahil sa tadtad ng saksak sa Sitio Ulnob, Barangay Pulot Interior, bayan ng Sofronio Española, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Virginio Bagona de Leon, 58, residente ng lugar.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, nakita na lamang ng mga kapitbahay ang biktima na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay, malapit sa isang kubo.

Nagtamo ng mga taga ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Inuwi ang labi sa kanilang tahanan at isinalang sa post mortem examination.

Hindi naman pa sa ngayon alam ang motibo ng pananaga at kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry