Isang magsasaka ang inaresto noong Pebrero 6 sa Barangay 2, Roxas, ng awtoridad dahil sa kasong attempted murder at attempted homicide.

Kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO) ngayong Lunes, Pebrero 7, ang inaresto bilang si Abraham Amacanin Jr., 41 taong gulang, at residente ng Brgy. Iraan sa nasabi rin na bayan.

Ang pag-aresto sa kanya ng mga operatiba ng Roxas Municipal Police Station (MPS), Palawan Police Mobile Force Company (PPMFC), at PHPT-Palawan ay ayon sa bisa ng mga warrant na may mga petsang Disyembre 7, 2021, at Pebrero 2, 2022, na ibinaba nina Judge Paul Jagmis Jr. ng Branch 95, Fourth Judicial Region, at Judge Ronilo Beronio ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) sa Roxas at Cagayancillo.

Naglaan ang korte ng piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa kasong attempted murder na may halagang P120,000 at P36,000 sa kasong attempted homicide.

- Advertisement -

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya siya ng Roxas MPS.

Previous articleCOVID-19 pandemic driving HIV surge in PH
Next articleFerrol municipal mayor and 200 others, arrested inside cockfighting arena in Romblon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.