Inaresto ang isang magsasaka matapos na makitaan ito ng baril nang pasukin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanyang bahay sa Sityo Stockpile, Barangay San Isidro sa bayan ng San Vicente, alas sais ng umaga noong Sabado, July 31.

Kinilala ang 43 anyos na lalaki na si Rommy Battellier Cabataña, na ayon kay P/Maj. Richard John Magachur ng CIDG ay inireklamo ng mga kapit-bahay dahil sa madalas nitong pagpapaputok ng baril sa lugar.

“Mayroong mga report na may baril, nag-validate kami at positive nga from sa mga kapit-bahay niya. Allegedly nagpapaputok daw ng baril doon sa area. May mga witness,” pahayag ni Magachur.

Narekober ang isang nit improvised shotgun (M16 frame) na chamber loaded; at isang live 12-gauge ammunition para sa shotgun na nakita lang ng mga tauhan ng CIDG sa sahig sa kuwarto ng suspek.

“Nakuha ang baril sa sahig lang, maliit lang kasi ang bahay, na parang kubo,”dagdag pa ng Hepe.

Ang nasabing search warrant ay inisyu ni Judge Anna Leah Y. Tionson-Mendoza, Executive Judge ng RTC Branch 164, 4th Judicial Region, Roxas.

Nananatili ngayon si Cabataña sa  kustodiya ng CIDG at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehesive Firearms and Ammunition Regulation.

Previous articleLalaki, binaril ng pamangkin dahil sa away sa lupa
Next article5.4M new voters register as COMELEC deadline nears
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.