Nov 29, 2020

Magpinsan na lalaki, huli sa buy-bust sa Narra

Ang mga suspek na napag alamang magpinsan ay kinilalang sina Dan Buenavista at Richard Dulay. 

Image from Narra MPS

Huli ang dalawang lalaki sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Narra Municipal Police Station (MPS) at Drug Enforcement Unity (DEU) ng Palawan Provincial Police Office sa Barangay Princess Urduja, Sabado ng gabi.

Ang mga suspek na napag alamang magpinsan ay kinilalang sina Dan Buenavista at Richard Dulay.

Ayon kay P/ Maj. Romerico Remo ng Narra MPS, maliban sa isang sachet na nabili sa dalawa ay apat pang sachet ang nakuha mula sa pangangalaga ng mga ito.

“May isang pirasong nabili (droga) ang ating poseur buyer sa kanila, narecover din sa pag-iingat nila ang perang [pambili] sa sachet. Bale lima lahat ang nakuhang sachet ng shabu sa kanila, isa ang sa pinagbentahan nila, dalawa ang nakuha mula kay Dan at dalawa rin mula kay Dulay,” ayon kay Remo.

Sabi pa ni Remo, dati ng drug surrenderer si  Buenavista sa kanila subalit dahil sa kanilang monitoring na isinasagawa, ay napag alaman nilang ito ay gumagamit na naman at nagbebenta pa.

“Dati nang drug surrenderer si Dan simula noong naupo sa puwesto ang administrasyong Duterte, mga year 2017. Pero dahil sa monitoring na ginagawa namin this year ay napag alaman namin na patuloy parin siya sa ilegal na gawain,” sabi niya.

“Kay Dulay naman ay nag-base kami sa impormasyon na nakuha namin tungkol sa kanya na gumawa nga ng iligal na gawain. Pareho silang dalawa na nagtutulak at gumagamit ng droga,” dagdag pa ni Remo.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry