Mahigit P50,000 ang natangay ng hindi pa nakikilalang suspek sa panloloob sa isang sari-sari store bandang 12:40 ng umaga ng Miyerkules, February 22, sa Brgy. San Jose sa bayan ng Roxas.

Ayon sa Palawan Police Provincial Office (PPO), nakuhaan sa CCTV ng tindahan ang suspek habang puwersahan nitong pinapasok ang bubong ng sari-sari store.

Ayon naman sa 57 taong gulang na biktima na si Rogelio Carillo, bandang alas otso na ng umaga ng mapansin nitong sila ay nanakawan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Roxas Municipal Police Station (MPS) para sa pagkakakilanlan at di kalaunang pagkahuli sa suspek.