Ang magkapatid na suspek sa tangkang pagpatay noong taong 2012.

Nadakip ng mga awtoridad ang magkapatid na Eronic at Aiza Tulaylay na itinuturing na No. 5 at 6 na most wanted ng Agutaya Municipal Police Station (MPS) sa Sityo Panagatan 2, Barangay Harigue, Caluya sa Antique, alas dos ngayong araw, Abril 24.

Si Eronic, 31, at Aiza, 28, ay kabilang sa apat na suspek na bumugbog at nagtangkang pumatay sa pamamagitan nang pananaga sa biktimang kinilalang si Ronaldo Rodrigues Austria, gabi noong Marso 30, 2012, sa Sityo Banted, Brgy. Algeciras sa Agutaya.

“Matagal na silang nagtatago, akala namin sa Occidental Mindoro sila — noong pinalakad ko na ang paghahanap, nalaman namin na nasa Antique pala sila,” ayon kay P/Lt. Leo Bacunga, ang hepe ng Agutaya MPS.

“Apat silang suspek, ang tatay nila nahuli na. May isa nalang tayong hinahanap,” dagdag pa ni Bacunga.

Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Angelo R. Arizala ng Branch 52 ng Regional Trial Court sa Palawan.

Aabot naman sa P120,000 ang nakalaang piyansa bawat suspek na nakatakda ng ibiyahe pabalik dito sa Palawan para harapin ang kanilang kaso.

Previous articleEDITORIAL: Coron-Culion bridge a bungled idea
Next articleMga magsasaka sa Roxas at Taytay sasailalim sa ‘school-on-the-air’
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.