Maganda ang presyuhan ng palay sa bayan ng Narra ngayong buwan ng Agosto na naglalaro mula P16 hanggang P18 bawat kilo. Ito ay dahil sa hindi sabay-sabay na pag-ani ng mga magsasaka, ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO).
Sa panayam ng Palawan News kay Eugene Sumaydeng, ang OIC municipal agriculturist, sinabi nito na ang bilihan ng palay ay hindi pa masyadong mababa kaya may advantage ang mga magsasaka.
Ang mga malalaking buyers ng palay sa southern Palawan ay nasa Narra kaya maging ang mga karatig bayan ng Brooke’s Point, Sofronio EspaƱola, Quezon, at Rizal ay sa kanilang munisipyo rin nagbebenta ng mga ani.
“Dahil nga sa hindi pareho ang harvesting calendar, hindi apektado ang presyo ng bilihan ng palay dito kasi wala pang volume ng palay ang nababagsak sa Narra. May ilang harvested na, ang iba naman ay hindi pa, pero so far, maganda ang presyo dito,” sabi ni Sumaydeng.
Ayon pa kay Sumaydeng, maaapektuhan lang ang presyo ng bilihan ng palay sa Narra kung nagkaroon ng sabay-sabay na pag-ani sa southern Palawan.
“Nangyayari lang naman yan kung maraming volume ng palay ang bumabagsak dito pero sana hindi maapektuhan ang presyo kung sakaling sabay-sabay ang harvesting at maraming volume ng palay ang ibebenta dito sa Narra ngayong buwan at sa susunod na buwan,” sabi niya.