Mon. Oct 14th, 2019

Mag-partner, huli sa buy-bust operation ng CIDG

Arestado sa buy-bust operation sina Precilyn De Leon alyas “lyn-lyn” at common-law partner nitong si Raul Sumandi alyas “Ong” ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Purok Maharlika, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City, Setyembre 21.

Nakuha sa mga suspek ang apat (4) na sachet ng pinaghihinalaang shabu na itinatayang nagkakahalag ng siyam na libong piso ang halaga. Bukod pa dito nakumpiska din sa kanila ang ilan pang drug paraphernalia, digital weighing scale at mark money.

Humaharap ngayon sa kasong Violation of Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 ang nasabing mga suspek.

Ayon naman kay CIDG Police Chief Inspector Joel Custodio “mayron pa silang Section 2 kasi maliban sa nabili natin, may na-recover pa tayo na 3 sachet, aside doon mayron pang paraphernalia yun yung Section 12, pagka nagpositibo sila na gumagamit ng droga yung Section 15, so 4-in-1 ang dami ng ikakaso natin sa kanila”.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply