Contributed photo

Patay ang isang babae matapos itong pagtatagain ng kanyang live-in partner sa kanilang bahay linggo ng madaling araw sa BM Rd.,Barangay San Manuel.

Kinilala ang biktima na si Mechelyn Misola 37. Ang suspek at live-in partner ng biktima ay kinilalang si Jerald Gelveson, 29.

Ayon sa inisyal na ulat ng Police Station 1, nag-inuman ang biktima sa bahay nito kasama ang tatlong tao na ang isa ay kinilalang si Ronnie Arollado.

Umuwi umano sa bahay nila ang suspek bandang madaling araw ng Linggo at nang makitang natutulog si Arollado sa isang kuwarto ay nagalit ito at sinugod. Nakatakbo si Arollado matapos magpambuno ang dalawa, at binalingan naman ng suspek at ka live-in partner nito si Misola.

Tumakbo umano sa may bakuran si Misola kung saan ay doon siya inabutan ng suspek at pinagtataga gamit ang isang butcher knife hanggang sa ito ay mamatay. Nakatakbo naman si Arollado at nakatawag sa opisina ng Kilos Agad Action Center (KAAC) at sa pulis upang humingi umano ng tulong.

Matapos mapatay ng biktima si Misola, nagbigti umano ang suspek, ayon sa salaysay ng witness na si Arollado sa mga awtoridad.

Ayon kay Investigator-On-Case, P/SSg Mark Jayson Magbanua, selos ang nakikita nilang dahilan ng krimen.

“Base po sa pagtatanong natin sa mga witness na nakakaalam ng pangyayari, ayaw pa ng lalaki na maghiwalay sila, ‘yon din ang dahilan na nag-aaway sila, at dahil sa selos, nangyari ang pananaga,” ang sabi ni Magbanua.

Dagdag pa ni Magbanua parehong nakainom ang suspek at ang biktima ng mangyari ang insidente.

“Base po sa pagtatanong natin si babae at si lalaki ay parehong nakainom pero hindi sila sabay na uminom, possible na nag-trigger ‘yon at dumagdag sa problema nila,” aniya niya.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari.

“Aalamin pa natin kung may makakasuhan, ito po ay inisyal pa lang natin, siya po [Gelveson] ang suspek pero hindi po tayo titigil doon. Kailangan po nating alamin lahat ng sides bago po tayo mag-coconclude,” ayon kay Magbanua.

 

Previous articleLalaking wanted sa carnapping, nahuli sa Quezon
Next articleMarines launches “Damayan para sa Kapwa” in northern Palawan
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.