Isang mag-ina ang nasawi matapos pagtatagain ng kanilang kamag-anak sa Sitio Bubog, Barangay Amas sa bayan ng Brookes Point, bandang hating-gabi ng Linggo, Enero 2.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Darlene Abit at ang anak nitong mahigit isang taong gulang pa lamang, samantalang ang suspek ay kinilala lamang sa pangalang “alyas Mayong”.

Ayon kay Amas barangay captain Restituto Panganiban, posibleng ginahasa pa si Abit. Walang kasama ang mag-ina sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

- Advertisement -

“Ang asawa kasi umalis, pumunta sa inuman, tapos di na nakauwi ng bahay sa sobrang lasing. Umuwi siya bandang alas dose na tapos ganoon na ang naabutan niya. Nagpunta siya sa kagawad, tapos tinawagan ako,” pahayag ni Panganiban.

Dagdag niya, pinuntahan nila ang lugar kasama ang mga pulis at dito ay naabutan ang mga biktima na wala nang mga buhay.

“Pagdating namin sa bahay, una namin na nakita ang anak na lalaki, may taga na malapit sa bunganga, tapos yung putol na kamay ng nanay doon sa loob ng bahay, ang katawan niya hinila pa, mga 17 metro ang layo galing sa bahay,” paliwanag ni Panganiban.

Ayon pa sa kapitan, posibleng ginahasa pa ang biktima bago ito pinagtataga.

“Nakita namin nakalabas ang dibdib at hindi maayos ang pagkahiga. Nakasuot lang siya ng patadyong,” aniya.

Dagdag pa niya, ang suspek na si “alyas Mayong” ay dati na ring pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa kasong attempted murder na ang biktima ay kanya ring kaanak.

Previous articleAmihan season blamed for scarcity of fish supply
Next articlePeople helping people: Inagawan Subcolony inmates extend help to Odette victims
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.