Ang motorsiklo na sinasakyan ng mag-asawang nasawi sa aksidente.

Dalawa ang nasawi sa banggaan ng motorsiklo at dump truck sa national highway sa Barangay Candawaga sa bayan ng Rizal noong Pebrero 17 ng hapon.

Sa ulat na inilabas ng Rizal municipal police station, patay ang mag-asawang sina Heremias Santillan at Melchie Santillan na nakasakay sa motorsiklo ng maganap ang aksidente.

Patungo umano sa direksyon ng Barangay Punta Baja ang mag awa nang makasalubong ang dump truck na minamaneho ni Mohammad Benana, 21, na patungo ng Brgy. Culasian sa nasabi rin na bayan.

Nag-overtake umano ang driver ng dump truck sa isang pang motorsiklo at hindi napansin ang kasalubong na motorsiklong kanilang sinasakyan sa national road sa Purok Pag-asa 2 sa Candawaga.

Dahil sa lakas ng impact, dead-on-the-spot si Heremias habang naisugod naman sa malapit na hospital si Melchie na kalaunan ay binawian din ng buhay.

Previous articleCoron, Rizal roll out initial COVID-19 vaccination plans
Next articleProvince issues uniform travel protocols for municipalities
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.