Ang mag-amang suspek sa pananaga sa Barangay Poblacion, Taytay,

Dinakip ng operatiba ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang mag-amang suspek sa pananaga sa Barangay Poblacion sa bayan ng Taytay, ngayong araw ng Sabado, September 18.
 
Ang mga suspek na kinilalang sina Jose Villegas Española, 63 taong gulang, at Jhuben Villaseñor Española, 30, ay ang mag-ama na itinuturong tumaga sa tatlong magkakapatid na Gadiano sa Sitio Batas ng nabanggit na barangay, noong Abril 26 nang nagdaang taon kung saan, dalawa sa mga ito ang nasawi habang naging kritikal naman ang kalagayan ng isa pa.

Ang mga biktima ng pananaga sa Sitio Batas, Barangay Poblacion, Taytay noong isang taon


 
Ayon sa pulisya, agawan sa lupa ang naging dahilan ng away ng dalawang pamilya.
 
Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Anna Leyah Y. Tiongson-Mendoza ng Regional Trial Court Branch 164 ng Roxas, Palawan, para sa kasong frustrated murder na may petsang September 14, 2021, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000 bawat isa.
 
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Taytay MPS.

- Advertisement -
Previous articleTatlong wanted sa kasong attempted homicide arestado sa Aborlan
Next articleEDITORIAL: The inevitable conclusion of the Senate probe
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.