Mag-ama tinaga sa Irawan ng nakaalitan

Ang biktima ng pananaga na sina Police Staff Sergeant Dinnoh Genoves (kanan) at ang anak nitong si Frederick (kaliwa) matapos isugod sa ospital Lunes ng gabi dahil sa pananaga. (Photo by Bandera Palawan)


Nagtamo ng sugat sa kanilang katawan ang isang mag-ama matapos silang pagtatagain ng nakaalitan sa Zone 8, Barangay Irawan noong Lunes ng gabi.

Ang mga biktima ng pananaga ay kinilala ni Police Major Reginald Pagulayan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 2 na sina Police Staff Sergeant Dinnoh Genoves at ang anak nitong si Frederick.

Ang suspek ay pinangalanan naman nito na si Projoe Jurada.

“Base sa ating initial investigation, nagkaroon ng heated argument si Frederick at itong suspek. Then nagkagulo na sila and tumawag si Frederick sa tatay niya na pulis Aborlan para humingi ng tulong. Pero dalawa naman silang pinagtataga ng suspek,” pahayag ni Pagulayan.

Nataga si Frederick sa likod ng katawan samantalang sa tiyan naman ang tinamong sugat ng kanyang tatay na pulis.

Nakatakas naman si Jurada na pinaghahanap na ngayon ng mga operatiba ng pulisya.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...