Isinugod sa Roxas Medicare Hospital (RMH) ang isang 47 taong gulang na lalaking driver at anak nito na walong taong gulang matapos aksidente niyang mabangga habang sakay ng motorsiklo ang isang van sa national highway sa Barangay San Jose, Roxas, ngayong araw, bandang 5:40 nang hapon.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO) nagtamo ng sugat sa kaliwang paa at siko ang driver na si Jhon-Jhon Ramirez Valdez, samantalang ang menor de edad na anak na batang lalaki ay nagkaroon ng fracture sa kaliwa nitong paa kaya agad silang isinugod ng mga rescuer sa ospital. 

Ayon pa rin sa report, walang lisensya si Valdez na minamaneho ang isang Suzuki Raider J. Ang driver ng van ay kinilalang si Roberto Pascuhin Pizzaro, 53, residente ng Brgy. Inagawan sa lungsod ng Puerto Princesa na may professional driver’s license.

Sa imbestigasyon ay lumalabas na si Valdez at ang angkas nito ay mula sa Brgy. New Barbacan patungo sa Brgy. Magara nang maganap ang aksidente. Habang binabagtas diumano ni Valdez ang kurbadang bahagi ng national highway sa pinangyarihan ng aksidente ay nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo kaya’t nabangga ang Isuzu van na minamaneho ni Pizzaro sa kasalungat na direksyon.

Previous articleDating kapitan ng Montible sinampahan ng kasong carnapping
Next articleCapitol distributes social pension to 618 indigent senior citizens in Narra
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.