File photo

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Inimbitahan ng Sangguniang Bayan ang pamunuan ng Smart at Globe Telecommunications sa kanilang susunod na session upang hingian ng paglilinaw kaugnay sa mabagal na internet na nararanasan ng mamamayan dito.

Ayon kay Vice-Mayor Rona Chou, maging ang kaniyang opisina ay nakakaranas ng hindi magandang serbisyo ng internet kabilang na pagtanggap ng mga mahahalagang commuications kagaya ng e-mail mula sa mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Sa panayam ng Palawan News kay Chou noong araw ng Sabado, Mayo 1, sinabi nitong dapat malaman ng konseho kung bakit ganito ang internet speed sa bayan na maging ang data connection sa cellphone ay mabagal din.

“Nagpadala na tayo ng letter sa kanila for their appearance dito sa SB, na sana ay maipaliwanag ang interneet speed natin at kung paano nila ito mabibigyan ng solusyon dahil lahat naman tayo online transaction at pati office natin dito sa LGU, halos ayaw gumalaw ng internet,” paliwanag ni Chou.

Umaasa ang konseho na ngayong buwan ng Mayo ay makakatanggap sila ng tugon mula sa dalawang kompanya at personal na pumunta ang mga opisyal ng mga ito at magpaliwanag sa kanilang session.

Samantala, nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilang mga estudyante dito na umaasa sa internet upang makapag-download ng mga kailangan nila habang nasa distance learning araw-araw.

Ayon kay Jeter Silo, estudyante ng Palawan State University (PSU), naniniwala siyang malaki ang epekto ng internet kung sobrang bagal nito dahil mapapabagal din ang kinakailangang mga impormasyon ng isang kagaya niyang estudyante na halos lahat ng kailangan niya ay sa internet dapat hanapin. Maliban dito ang pagpapadala pa ng mga mahahalagang mga mensahe sa kaniyang mga guro at kaklase habang nasa distance learning ito.

“Having poor internet connection will affect students in their academic performance. This is one of the biggest problems faced by students and sa katulad ko na need ang internet everyday, without internet access at home mahirap talaga gawin ang homework,” paliwanag ni Silo.

About Post Author

Previous articleSan Vicente MPS at 33rd MC nagsagawa ng mobile community pantry
Next articleTatlong probable COVID-19 cases, naitala sa San Vicente
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.