Lunas Partylist 1st nominee Bryan Yamsuan during the Palawan Sound Organization anniversary concert on April 17

Ilang mga kandidato mula sa magkakaibang lokal na political party ang nagpahayag ng suporta sa Lunas Partylist matapos ang pagbisita ng mga ito noong nakaraag buwan sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Vice Mayor Nancy Socrates ng Puerto Princesa City, maraming mga tumatakbong kandidato sa iba’t ibang bahagi ng Palawan ang nagpahayag na ng pagsuporta sa Lunas Partylist dahil sa isinusulong nitong “legislative agenda” para sa sektor ng mga manggagawa na “no work, no pay” ang kalagayan sa kanilang mga trabaho.

“Kahit nung una pa man talagang advocacy na natin ang pagtulong sa mga no work no pay sectors. Ang Lunas partylist ay tamang nagbigay ng plataporma at organisasyon upang maisulong pa natin ang advocacy na ito,” ayon kay Socrates, na tumatakbong muli sa pagka bise alkalde ng syudad ng Puerto Princesa City.

Lunas Partylist during consultation with non-formal sector workers in Puerto Princesa City

Ayon sa mga nauna nang ipinahayag ng mga bumisitang opisyal at miyembro ng Lunas partylist, ilan sa mga lokal na kandidato na nagpahayag na ng pag endorse sa kanila ay sina Jun Ortega, tumatakbong Board Member sa 3rd district; Rowel Magarce, kandidato sa pagka mayor ng Rizal; Pedy Sabando, kandidato pagka mayor sa Roxas; Eunes Ayod Musngi, tumatakbong vice mayor ng Quezon; Eugene Ayod, kandidato sa Sangguniang Bayan ng Quezon; at Marivic Roxas, tumatakbong Board Member sa 2nd district.

Nauna nang nagpahayag ng suporta sa Lunas Partylist ang Palawan Sound Organization na kinabibilangan ng mga performing artists sa lalawigan sa ginawa nitong konsierto noong ika 17 ng Abril bahagi ng kanilang Founding Anniversary sa Puerto Princesa City Baywalk.

Nakipagpulong din noong nakaraang buwan ang partylist group sa iba pang mga manggagawa sa no formal sektor ng ekonomiya kagaya ng mga drivers, tour guides at ibang pang manggagawa na arawan ang sahod.

Previous articleNaipadala na ng prov’l COMELEC ang bagong VCM kapalit ng isang depektibong unit
Next articleElection Blues