No Images found.

LTO Satellite office sa Brooke’s Point, nakatakda nang magbukas

(Photo courtesy of SB Ton Abengoza)

BROOKE’S POINT, Palawan — Magsisimula na ang operasyon ng satellite office ng Land Transportation Office (LTO) dito na nakatakdang pormal na magbukas sa darating na Marso 22 taong kasalukuyan.

Ang pagbubukas ay inanunsyo ni Sangguniang Bayan (SB) member Bernardo Abengoza sa kanyang Facebook post noong araw ng Huwebes, March 4.

Inaasahang darating bilang panauhing pandangal sa araw ng pagbubukas si LTO-MIMAROPA regional director Hilarion E. Ulep.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay inanunsyo rin ni Abengoza na tapos na ang construction ng gusali na gagamitin ng LTO at kumpleto na rin ang kagamitan para dito na ang tanging hinihintay na lang ay ang pagdating ni Ulep para masimulan na ang operasyon.

“Maraming salamat kay mayor [Mary Jean] Feliciano sa pagsisikap na maisakatuparan ang ipinangako na dadalhin ang LTO sa bayan ng Brooke’s Point at ganoon din para sa kapakanan ng mga kababayan natin dito sa Southern Palawan,” pahayag ni Abengoza.

“Pasalamat din kay dating congressman Erick Abueg na nagsulong sa Kongreso ng bagay na ito.
Ganun din kay Ms. Loida Briones Oribiana Paalan sa pag-aayos ng mga kailangan pang mga dokumento at pakikipag-ugnayan sa mga concerned personnel to make this endeavor a success,” dagdag niya.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry