Maagang nasampulan ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ilang mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko kahapon ng umaga, October 5, sa kanilang isinagawang operasyon sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Miguel.

Ayon kay law enforcer Albert Acosta ng LTO-Palawan, nakapagtala ang kanilang grupo ng 25 na kaso ng paglabag sa kanilang isinagawang operasyon.

“May na isyuhan kami ng ticket na nasa 25 na sasakyan, na may mga paglabag katulad ng walang rehistro, expired o walang lisensya, fake license, at walang seat belt,” pahayag ni Acosta.

“Ang violation ng driver without license [ay] may multa na 3,000 pesos, ganun din yung mga fake license, pero may karagdagang violation ‘yun, katulad ng submission of fake public documents. Kasi ang mga kumukuha ng mga fake na lisensya, may idea ‘yan sila na ang kanilang hawak ay fake license. Kasi ang awtorisado lang naman na mag-isyu ng lisensya ay ng LTO. Ang mga fake license dinadala lang yan sa kanila. Ang mga fake license, diretso license na, ‘di ba sila nagtataka na bakit hindi sila dumaan sa student permit na ‘yun ang tamang proceso,” dagdag nito.

Siniguro naman ng LTO na aktibo ang kanilang team, katuwang ang PNP Highway Patrol Group na bantayan ang kalsada at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.

Previous articleCaltex donates fishing boats to typhoon-ravaged Palawan fishermen
Next articleBRP Sierra Madre resupply mission goes unhampered
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.