Isang low pressure area (LPA) ang namataan kaninang alas tres ng madaling araw ng PAGASA sa loob ng intertropical convergence zone (ITCZ) sa layong 1,960 kilometers sa east ng Mindanao, at posible itong maging bagyo, ayon sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
“Maaaring bukas (Nobyembre 30) pumasok ang low pressure area o sa Miyerkules (Disyembre 1),” ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.
Sa araw na ito, Nobyembre 29, dalawang weather system ang patuloy na nakaaapekto sa bansa, ang shear line at ang ITCZ, kaya magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, at Isabela.
Sa natitirang bahagi naman ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tsansa ng mga isolated na pag-ulan o pagkulog at pagkidlat.
