Patay sa pamamaril ang isang 71 anyos na lolo matapos itong barilin Lunes ng gabi sa Little Caramay, Barangay Magara, Roxas habang ang suspek naman ay nataga ng kanyang anak ng pati siya sugurin nito. 

Kinilala ang biktima na si Jaime Albas Perez, samantalang ang suspek ay si Jesmar Villaflor Villo, 30, parehong residente ng nasabing barangay. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas ang biktima ng kanilang bahay noong gabi ng ika-10 ng Pebrero matapos makarinig ng putok ng baril. Nakita nito ang suspek at ang asawa nito na nakasakay sa motorsiklo. 

Hinarang niya si Villo at tinanong kung ito ba ang nagpaputok. Hindi naman sumagot si Villo at agad na lamang siyang binaril. 

Nakita ng anak ng biktima na si Jerry Perez ang pangyayari kaya’t kinompronta nito ang suspek subalit siya ay tinutukan nito ng baril. Dahil dito, tinaga ni ang suspek na naging dahilan para mabitawan nito ang baril. 

- Advertisement -

Dead on the spot ang lolo dahil sa tama ng baril sa kaliwang kili-kili nito habang nagtamo naman ng apat na taga ang suspek na si Villo sa iba-ibang bahagi ng katawan. 

Isinuko naman ng anak ng biktima ang baril at limang bala nito sa purok president ng lugar habang narekober naman ng mga awtoridad ang dalawang basyo ng bala ng baril sa pinangyarihan ng insidente.

 

Previous articlePala’wan IP mandatory rep takes official oath as board member
Next articleProvincial board requests PSU and WPU to offer SPED courses
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.