Patay ang isang 63 taong gulang na magsasaka matapos itong tagain ng isang 27 taong gulang na suspek sa Brgy. Ipilan sa bayan ng Narra, bandang 10:20 kagabi, January 17.

Ayon sa Narra Municipal Police Station (MPS), wala ng buhay ang biktimang kinilalang si Jolly Matillano Pido dahil sa tinamo nitong taga sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

Pahayag ng pamangkin ng biktima na si Julius Pido, nasa loob ng bahay ang kanyang tiyuhin ng atakehin ito ng suspek na si Raymart Frenillo sa hindi malamang dahilan.

Agad namang nahuli ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Narra MPS bilang paghahanda sa patung patong na kaso na ihahain laban dito.

About Post Author

Previous articleWaiter sa viral video ni Alex Gonzaga, kaibigan umano ng pamilya
Next articleMga residente ng Brooke’s Point, umaalma sa kawalan ng supply ng tubig
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.