Photo courtesy of Junalyn Labeta Pangilinan

SAN VICENTE, Palawan  — Patay ang 60 anyos  na lalaki sa naganap na banggaan ng motorsiklo at van nitong Lunes ng hapon, March 29, sa crossing ng Sitio Landing, Barangay New Agutaya sa bayan ng San  Vicente.

Kinilala ang biktimang nagmamaneho ng motorsiklong Honda TMX 125 na si Virgilio Medallon Sena, 60 anyos, magsasaka at karpintero, residente ng Brgy. New Agutaya, habang ang driver naman ng nakabanggaan nitong Toyota Hi-Ace ay kinilalang si Felibert Aban, 30, at residente naman ng Brgy. San Isidro.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang daan sa New Agutaya proper sa direksyon patungong Roxas, samantalang ang kasalubong na van naman ay patungo sa Barangay Poblacion nang magkasalubong sila at magbanggan, dahilan para tumilapon ang biktima at magtamo ng pinsala sa katawan.

Isinugod ng Rescue 165 ang biktima sa San Vicente District Hospital kung saan idineklara ito ni Dr. Myrem Jessamie Sarno na dead on arrival.

Sumuko ang driver ng van sa San Vicente Municipal Police Station habang patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing aksidente.

- Advertisement -

Previous articleNickel Asia campaigns for vaccine awareness
Next articleIbba replies to DILG justifying vaccination
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.