Patay ang isang  lolo matapos mabangga ng sumusunod na van ang motorsiklong minamaneho nito sa Sityo Tagumpay, Barangay Inagawan-Sub sa Lungsod ng Puerto Princesa, bandang 12:15 kahapon, araw ng Miyerkules (Marso 17).

Ang biktima ay kinilalalng si Gavino Garcillan, 74 taong gulang, isang magsasaka na residente ng nabanggit na barangay, habang ang driver ng van ay kinilalang si Jhanie Boy Labaria, 20 taong gulang, at residente ng Barangay San Manuel.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nasa likurang bahagi ng motorsiklo ang van habang tinatahak ang kahabaan ng national highway, mula Aborlan patungo ng Puerto Princesa.

Liliko na sana sa kaliwang bahagi ang motorsiklo nang biglang sumulpot ang van para mag-overtake at dito naganap ang aksidente.

“Sa Initial na imbestigasyon, ang van ang mali,” pahayag ni P/Maj. Alevic Rentino, hepe ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS 2)

Naisugod pa ang biktima sa Aborlan Medical Hospital at inirekomendang dalhin sa pagamutan sa Lungsod ng Puerto Princesa dahil sa matinding pinsalang natamo, ngunit binawian din ng buhay.

Ang driver ng van na si Labaria ay mahaharap naman ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

About Post Author

Previous articleIt is difficult monitoring illegal plant trading online, PCSD says
Next articleWater district postpones fun bike ride due to COVID rise
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.