Arestado ang 64 taong gulang na lolo at dalawa pang lalaki ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Palawan sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa bahay ng suspek na ginawang drug den sa Kalikasan Homes, Barangay San Pedro, 2:50 ng madaling araw ng Sabado, October 1.

Nakilala ang suspek na si Renato Castillo, samantalang ang dalawa naman ay sina Junior Fresnillo at Jose Detecio, pawang 22 taong gulang.

Ayon sa impormasyon mula sa PDEA, magkakasama ang tatlo sa talyer na pagmamay-ari ni Castillo. Dito ay nagsisilbi ring runner ang dalawang binata para sa kanilang mga parokyano na labas-masok sa bahay ng suspek.

Aminado si Castillo sa paggamit ng droga, maging ang paglabas masok ng ilang mga tao sa kanyang bahay pero mariin nitong itinanggi na nagbebenta siya ng droga.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang magkaibang sukat na sachet ng pinaghihinalaang shabu at P2,500 na buy-bust money.

Nakuha rin sa kwarto niya ang ilang drug paraphernalia, kabilang na ang dalawang lighter, at rolyo ng foil.

Depensa ni Castillo, tinaniman lamang siya ng mga nakuhang ebidesiya ng mga hindi kilalang taong pumasok sa kanyang bahay.

“May mga pumupunta dito s bahay, tapos sinasabi pasok lang sila sa loob (kwarto) hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila. Gumamit ako kaninang tanghali. Ito namang sila [Junior] bigla lang sila kumatok dito tapos iinom daw. Gumamit din sila sa loob,” pahayag ng matanda.

Kakaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

About Post Author

Previous articleBUHAWI gun mount system, tested as highlight of ‘Exercise Pagsisikap 2022’
Next articleNOT YOUR ORDINARY FARM: Gintong Butil offers golden lessons on farming
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.