Isang 80 taong gulang na lolo ang inaresto sa Brgy. Pangobilian sa bayan ng Brooke’s Point noong December 15 dahil sa paglabag sa kasong illegal logging, o paglabag sa Forestry Reform Code of the Philippines.

Ang inaresto ay kinilalang si alyas “Larry”, residente ng naturang bayan.

Ang warrant ay ibinaba ni Judge Jose Bayani Usman ng Branch 50 ng Regional Trial Court noong December 9, 2019, upang mapagsilbihan ni Larry ang kanyang sentensya.

Siya ay nasa kustodiya ng Brooke’s Point Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.

About Post Author

Previous article64 prov’l government scholars hurdle nursing board exam
Next articleBaruang Magic Island: An island that isn’t an island