Image courtesy of Police Station 2

 

Patay ang isang empleyado ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) at ang kinakasama nito matapos silang barilin ng isang lalaki sa kanilang tahanan sa Purok Soliman, Barangay Iwahig, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Nelson Quirino, 38, timekeeper ng PPCWD sa Barangay Montible, at ang kinakasama nito na si Baby Cortez, 32. Isang suspek na hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad, ang inaresto ng mga pulis matapos ang insidente.

Ayon kay Police Major Edgar Salazar, hepe ng Police Station 2., ang suspek ay itinuro ng isa sa mga kaibigan ng mga biktima na nakasaksi sa pamamaril.

Nagkakaroon umano ng isang kasiyahan sa labas ng bahay ang mga biktima kasama ang ilang mga kaibigan nito nang mangyari ang pamamaril.

Isinailalim na rin ang suspek sa Inquest Proceedings para sa pagsampa ng kinakaharap nitong kaso na Double Murder.

“Sa ngayon tinatanggi niya ‘yong pangyayari e, wala tayong magagawa doon karapatan naman niya ‘yon bilang suspek. Sa ngayon patuloy pa tayong nangangalap at batay na rin sa statement ng mga witnesses may kinalaman sa alitan, old grudge. Meron pa kaming dinedevelop na information na medyo malalim at atin pang inaalam,” ayon kay Salazar.

About Post Author

Previous articleSabando wants probe on DPWH projects in Roxas
Next articleDepEd firm on August 24 opening of classes
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.