Hinuli sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya at ng Anti-Crime Task Force (ACTF) ang mag-live in partner noong Sabado sa Barangay Tagburos dahil sa pagtutulak ng shabu.

Ang inaresto ay kinilalang sina Samuel Santinas Galicha, alyas Dong, 27, at Chin Hui Tres Reyes Chiw, 24, na kapwa residente ng naturang barangay.

Inaresto ang dalawa matapos makabili sa kanila ang undercover agent ng Puerto Princesa City Drug Enforce Unit (PPCDEU), PPC Mobile Force Company at Anti-Crime Task Force (ACTF) ng isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Nakumpiska rin mula sa kanila ang buy-bust money na P2,000 at anim pang plastic sachets na naglalaman din ng white crystalline substance.

 

- Advertisement -

Previous articlePagnanakaw ng kable ng mga streetlights, pinaiimbestigahan ng city gov’t
Next articleResidente ng San Pedro, inaresto dahil sa pagbebenta ng shabu
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.