(Larawan mula kay Kent John Go Orquia)

Posibleng linya ng kuryente ang pinagmulan ng sunog na naganap sa Purok Palawan Cherry sa Barangay Sicsican kung saan dalawang paupahang kwarto, isang tindahan ng niyog at isang sari-sari store ang natupok, pasado ala una nang hapon, araw ng Miyerkules, Setyembre 8.

Ayon kay FO1 Edward de Guzman ng Puerto Princesa City Fire Station na nag-imbestiga sa nasabing sunog, may nalanghap na kakaibang amoy ang tindero ng niyog kaya pumunta ito sa katabing tindahan kung saan, nakita nito na malaki na ang apoy sa loob.

“Wala kasi ang tindera ng sari- sari store, umalis daw mga bandang 11:00 a.m.,” pahayag ni de Guzman.

Mabilis din umanong lumaki at kumalat ang apoy bago pa sila dumating dahil ang mga naapektuhang istraktura ay gawa sa light materials.

- Advertisement -

“Mga 1:30 kami natawagan kaya medyo wala ng naisalba. Kasi ang sunog daw ala una pa nagsimula. Dumating kami 1:41 p.m., saka namin na-declare na fire control 1:46 p.m., at fire out 2:10 p.m.,” paliwanag niya.

Previous articleThe other side of the coin… COVID-19 resistance, susceptibility, and outcome
Next articlePacquiao-Isko 2022 elections ticket acceptable to VP Leni
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.